Our Sponsors

Tuesday, October 9, 2012

Walang Hanggan Spent P3.2 M for Daniel-Katerina wedding!

MIgz Lagado  |  at  5:08 PM  |   |  No comments



NATULOY na rin sa wakas ang kasalang Daniel Guidoti (Coco Martin) at Katerina Alcantara (Julia Montes), mga pangunahing tauhan sa phenomenal TV series ng ABS-CBN na Walang Hang
gan.


Kinunan ang wedding scene kahapon ng umaga sa San Agustin Church sa Intramuros Manila at sa laki ng eksena, umabot ng halos P3.2M ang budget nito.

Punumpuno ng white orchids ang loob at labas ng simbahan na inimport pa sa Thailand. Sa bulaklak pa lang, tumataginting ng P500 thousand ang kanilang nagastos, huh!

Si Paul Cabral ang tumahi ng pagkaganda-gandang at eleganteng wedding gown ni Julia pati na ang suot na barong tagalog ni Coco.

Present sa kasalan sina Dawn Zulueta, Helen Gamboa, Richard Gomez, Ogie Diaz, Arlene Muhlach, Melissa Ricks at Susan Roces.

Saglit na nainterbyu ng press si Joem Bascon na gumaganap bilang kapatid ni Julia sa series at ayon sa kanya, maliit lang ng partisipasyon niya sa wedding scene dahil may hold order sa kanya na bawal lumapit kina Katerina at Daniel.

Obviously, wala si Nathan (Paulo Avelino) sa eksena dahil nasa loob na ito ng mental hospital. Pero hindi pa namin alam what will happen sa pagtatapos ng series.

Walang Hanggang is under the direction of Jerry Sineneng and Trina Dayrit.

SHOWING na bukas (Oct. 10) ang Star Cinema movie na This Guy’s In Love With You Mare na pinagbibidahan ng comedy box-office trio nina Toni Gonzaga, Luis Manzano at Vice Ganda under the direction of Wenn Deramas.

Ayon kay Luis, pinag-halong simple at komplikado ang tema ng kanilang pelikula na tiyak kaaaliwan ng lahat.

“’Yung character ko dito na si Mike, nagkataon na involved in colourful relationships. Minahal niya si Lester (Vice) at nagkataong nahulog din ang loob niya kay Gemma (Toni),” ani Luis. “Our movie is about love, truthfulness and different kinds of relationships.”

Proud naman si Toni sa hatid na kasiyahang ng kanilang first team-up nina Luis, Vice at Direk Wenn.

“Pinapangako po namin sa inyo na this is worth every centavo of your money. Bibigyan namin kayo ng isa't kalahating oras ng kasiyahan na makakalimutan niyo pansamantala ang lahat ng mga problema niyo,” pahayag ni Toni.

Bagama't hitik sa kalokohan at katatawanan, tiniyak ni Vice na may aral na hatid sa moviegoers ang This Guy's In Love With You Mare.

“Itong pelikula namin todo talaga sa patawa, todong laugh trip at todong good vibes. Pero eventually meron itong mai-impart na importanteng lesson sa audience,” sey pa niya.

Bukod kina Toni, Luis at Vice, bahagi rin ng This Guy's In Love With You Mare sina Edgar Mortiz, Buboy Garovillo, Gladys Reyes, DJ Durano, Karla Estrada, Carla Martinez at Ms. Tessie Tomas.


Written by : Leo Bukas | Journal Online

About the Author

An online entertainment website for Philippine TV.

0 comments:

    Find Us on Facebook

    Followers

    Total Pageviews

    Page Rank

    pagerank 
search engine optimization View My Stats Community & Groups - Top Blogs Philippines morwpl.blogspot.com-Google pagerank and Worth Top  blogs] Check google pagerank for morwpl.blogspot.com Rating for morwpl.blogspot.com
    Powered by Blogger.

General

© 2013 Philippines TV News. WP Mythemeshop Converted by Bloggertheme9
Blogger Template. Powered by Blogger.